Teknolohiya sa kaalaman Ngayon at sa Hinaharap

filll

                     Sa pag-usbong ng makabagong panahon, dala ay mga bagong kapamaraanan. Bahagyang nagpakilala at sa ngayo’y laganap ang gamit at pakinabang ng teknolohiya sa modernong kabihasnan. Bilang isang kabataan ng kasalukuyan, aking nasilayan at nadama ang mabilis na pagsulasok ng apoy ng pangangailangan sa lipunan. Mapalad na maiituring, sapagkat, nabibilang ang inyong butihang pantas sa nabibilang na numero ng kabatang hindi salat sa edukasyon.

                       Naaalarma at lubos akong nagugulantang ng kaliwa’t kanang mga problema na kinakaharap ng estado sa kasalukuyan. Sa papanaw ko, edukasyon ang magsisilbing solusyon. Mainam at mabisa. Sapagkat ang pagkasalat sa paalaman at kamangmangan ng isa ay di nasusukat sa kung ano ang kanyang aksiyon. Bagkus ito ay nasusukat sa kung ano ang kanyang alam, hindi alam at ang daang kapamaraanan. Mga detalye na lumalampas sa tingin ng ignoranteng utak na anak ng taliwas na pamumuno at pagkatuto. Siyang ating itatama, aapulahin ang apoy na unti unting tumutunaw sa pitagang bakal ng hinaharap. Ngayon ating lilingapin ang gampanin at imumulat ang mga mata, sa mapait na reyalidad ukol sa hinaharap, teknoloyiha at edukasyon, kaugnayan sa ating mga kabataan.

                       Muli nating itatayo ang kinakukasan, sa edukasyon na maalam. Gamitin nating sandata ang mga teknolohiyang ngayon ay handog at abot kamay natin. Ang pagkatuto at karunungan ay magiging mabagal sa makalumang kapamaraanan. Pagbabahagi ng impormasyon ay labis na mapag-iiwanan. Gamitin natin ang teknolohiya, ituring itong kakampi ng hinaharap at hindi kaaway ng labis na makalumang kapamaraanan. Ang pagbugso ng “E-learning” o tinatawag na pagkatuto sa pamamagitan ng teknologiya, ay yakapin at palaganapin. Hindi ko lubos na mawari kung bakit natin nililimitahan ang ating mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang sarili at matuto sa paraang mas makakabuti sa kanila. Bakit ba natin sila lilimitaha sa paggamit lamang ng mga aklat at lapis kung mas mapalalawig nila ang kanilang pagkakakilalan sa mundo gamit ang “Social Media” at “internet”? Bakit natin sila ikukulong sa selda ng nakaraan, at ihihiwalay sa kanila ang kanilang nakagisnan? Ang pagkatuto at paggawa ng pagbabago ay imposible sa isang estadong ikinakadena at nililimitahan ang siyang may hawak sa hinaharap.

 

 

                   Sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito, mata at isip ng kabataan ay nagiging bukas sa mga isyu, problema at maling kapamaraanan. Siyang midya lamang ang makatutulong upang luminang ng isang henerasyon na konektado, may iisang hangarin. Isang henerasyon na nakikita at nasisilip ang mga salik ng lipunan. Pagkatuto ay hindi lamang nagaganap sa apat na sulok ng paaralan. Pagkatuto ng siyang mga istudyante ay madadala at maiisagawa kahit saan. Kaalamang hindi lamang limitado sa mga agham kundi kaalaman sa buhay, sa bayan at sa kapwa mamamayan. Siyang mga kaalaman na esensyal upang bumuo ng matikas na haligi ng bayan.

                         Edukasyon ng isa ay aking masasabing di lamang nasusukat sa kurso na iyong natapos sa kolohiya, sapagkat ang epektibong edukasyon ay masisilayang gumalaw sa kapamaraanan at kagustuhan ng isa paunlarin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang karunungan para sa ikauunlad ng bansa. Paano ko ito nasabi, tingnan nalamang natin ang ating bansa sa katayuan nito sa ngayon. Lubhang mataas ang ‘Literacy Rate’ sapagkat kakaunti ang ating lakas pag gawa. Resulta ang isang bayan na lugmok sa kahirapan, nagtataasang bilihin at mataas na kaso ng kriminalidad at korapsyon.

                           Edukasyon at Teknolohiya, isang tambalang kapag napagsama ng mainam ay siyang magiging tulay sa ating hanggarin. Hanggarin ng isang masagang bayan at mas masaganang kinabukasan. Sinasabi nilang umiikot na ang ating buhay ngayon sa teknolohiya. Labis ikinintil ng iba ito bilang isang masamang bagay at hindi isang aspeto na ating magagamit sa ating kabutihan. Kung atin lamang sasalubungin ang pagbabago, ang hinaharap gamit ang paningin na malawak ang perspektibo, labis na positibo. Ang ating hinaharap nawa ay magkatagpo, sa dulo ng pangarap natin. Pangarap naming kabataan.

                             Ako ang hinaharap, ako ako ako. Ipinapatong ko sa aking bisig ang resposibilidad na kaakibat ng teknolohiya, biling isang ‘Millennial’. Epektibong edukasyon ay maiisabuhay ngayon sa pamamagitan ng teknolohiya, magiging tulay. Nais ng aking puso na sa patuloy na pag-usbong ng panahon tayo ay nakapagtamin ng mga matatag na puno ng kinabukasan. Sa gayon, matamis na prustas ng bukas ay tiyak. Sa ngayon, tayo, ako at ikaw ay aaksiyon. Tayo, kasama ang teknolohiya ay lalaban sa gera ng kaalaman. Tayo, Ikaw at ako, bilang isa. Isang bayan, isang hangarin, ngayon.